News »


K Outreach Program sa Brgy. Porais

Published: July 28, 2023 01:51 PM



Maulan man ang panahon, patuloy pa rin ang paghahatid ng mga libreng tulong at serbisyo ng K Outreach Program sa Brgy. Porais nitong umaga (Hulyo 28).

Kasamang nakisaya sa programa sina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador, gayundin ang ilang konsehal ng lungsod at ang bagong Acting Chief of Police na si PLtCol Ariel V. Enriquez.

Hinikayat naman ng Public Employment Service Office (PESO) ang lahat na dumalo sa gaganaping Job Fair sa Pag-asa Gym sa darating na Agosto 9.

Dadayo ang K Outreach Program sa Brgy. Sto. Tomas sa susunod na Biyernes (Agosto 4).