K outreach sa Brgy. Culaylay
Published: February 24, 2023 11:46 AM
Hindi tumitigil ang lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng tulong at serbisyo sa mga San Josenio, kaya naman kahit kahit idineklarang non-working holiday ngayong araw (Pebrero 24) ay tuloy pa rin ang K Outreach Program sa Brgy. Culaylay.
Ayon kay Vice Mayor Ali Salvador, bilang lingkod bayan ay dapat nagseserbisyo araw-araw.
Sinang-ayunan naman ito ni Mayor Kokoy Salvador at aniya, kahit walang pasok ngayon, itinuloy ang naka-schedule na K Outreach at inuna pa rin ng mga empleado ng LGU ang serbisyo para sa taumbayan.
Bukod sa mga regular na serbisyo at tulong na hatid sa mga mamamayan, patuloy rin ang COVID-19 vaccination sa mga K Outreach.
Nagkaroon pa ng Optical Mission sa naturang barangay kanina sa pakikipag-ugnayan ni Vice Mayor Ali sa DRS Save Eye Care Center.
Hatid ng DRS Save Eye Care Center ang libreng eye screening, cataract surgery, at pterygium surgery.
Napagkalooban din ng libreng wheelchair ang isang residente na personal na iniabot ng Punong Lungsod.
Naroon din ang ilang City at Barangay officials para sumuporta sa programa.
Samantala, binasbasan at pinasinayaan din ang bagong Barangay Hall ng Culaylay.
Kasama ni Mayor Kokoy sa ribbon-cutting ng naturang dalawang palapag na gusali si Punong Barangay Danilo Simon.
Kaya naman lubos ang pasasalamat ng kapitan sa suportang ibinibigay ng lokal na pamahalaan sa mga taga-Culaylay.