News »


K Outreach sa Brgy. F.E. Marcos

Published: January 27, 2023 12:40 PM



Muli na namang naghatid ng iba’t ibang tulong at serbisyo ang K Outreach Program ng lokal na pamahalaan ngayong araw (Enero 27) sa pangunguna nina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali Salvador, kasama ang ilang konsehal.

Nakatanggap ang mga residente ng Brgy. F.E. Marcos ng libreng serbisyong pangkalusugan gaya ng dental at medical checkup; may libre ding gupit at masahe; seedlings, reading eyeglasses, bigas, meryenda, at marami pang iba.

Aktibo rin ang Aklatang Panlungsod sa pagsasagawa ng iba’t ibang aktibidad para sa mga bata na dumalo sa K Outreach.

Inanunsiyo rin ang ilang kasalukuyang aktibidad gaya ng PNP Recruitment, Mass Wedding o Kasalang Bayan na gaganapin sa Pebrero 14, Special Program for the Employment of Students (SPES), libreng prangkisa ng mga namamasada ng traysikel, libreng Driving Course para mga sa kukuha ng lisensiya sa pagmamaneho, at ilang paalala tungkol sa batas trapiko ng lungsod.

Ibinalita ni Public Employment Service Office (PESO) staff Boyet Cinco na kasalukuyan nang tumatanggap ang kanilang opisina ng aplikasyon ng mga kabataan na nais maging bahagi ng SPES.

Samantala, ibinahagi naman ni Engr. Mark Julius Paulino, Public Order and Safety (POS) Office-OIC na menor de edad at hindi nagsusuot ng helmet at/o walang lisensya ang madalas nahuhuli ng enforcers. Kaya naman nagpamudmod din ng flyers ukol sa traffic violations at penalties ang kanilang tanggapan para sa kaalaman ng mga mamamayan.