News »


K Outreach sa Brgy. Manicla

Published: June 09, 2023 04:00 PM



Buwena manong hinatiran ng mga libreng tulong at serbisyo ang Brgy. Manicla nitong umaga (Hunyo 9) sa muling pag-iikot ng K Outreach Program sa mga barangay.

Bukod sa iba’t ibang opisina ng lokal na pamahalaan, ilang ahensiya at kompanya na dumayo roon, kasama rin sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, at ilang konsehal para makisaya sa mga residente na nagdiriwang din ng kanilang Barangay Fiesta ngayon.

Ayon sa Punong Lungsod, sa susunod na taon ay isasaayos ang gym at stage ng barangay, pati na rin ang mga tulay, ayon naman kay Vice Mayor Ali.

Kaya naman lubos ang pasasalamat ni Punong Barangay Roy Valencia sa mga serbisyo at suportang ipinaabot sa kanila ng lokal na pamahalaan.