News »


K Outreach sa Brgy. Parang Mangga

Published: April 11, 2023 01:51 PM



Naghatid ng mga libreng tulong at serbisyo ang K Outreach Program ng lokal na pamahalaan ngayong umaga (Abril 11) sa Brgy. Parang Mangga.

Kasamang dumayo sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, Bokal Dindo Dysico, at ilang konsehal ng lungsod para bumati sa nalalapit na pista ng nasabing barangay.

Naroon din ang DRS Save Eye Care Center na handog ni Vice Mayor Ali para sa mga residente.

Inimbitahan naman ni Mayor Kokoy ang mga residente na makiisa sa gaganaping selebrasyon ng City Fiesta at Pagibang Damara Festival sa Abril 18-23.

Samantala, nagpasalamat si Punong Barangay Virginia Ambanta sa paghatid ng lokal na pamahalaan ng mga libreng tulong at serbisyo sa kanilang lugar.