News »


KALASAG Wagi sa Villar SIPAG Award

Published: February 19, 2014 05:13 PM



Ginawaran ng Villar SIPAG (Social Institute for Poverty Alleviation and Governance) ang KALASAG Farmers Producers Cooperative bilang isa sa 10 Most Outstanding Community Enterprises noong ika-13 ng Disyembre 2013 sa Villar SIPAG Bldg., C5 Extension Road, Las Pinas City. Sila ay napili mula sa kulang 200 na mga kalahok mula sa iba't-ibang sulok ng bansa.

Ang mga nagwagi ay napili base sa mga sumusunod na pamantayan: bisa ng samahan kung saan ang mga samahan na napili ay nagpakita ng kakayahang makapagpataas ng kita at lumikha ng hanapbuhay sa komunidad; kabuluhan ng proyekto kung saan nakatugon ito sa problema ng kahirapan sa komunidad; pinansyal na posibilidad ng samahan kung saan ang samahan ay nakalikom ng sapat na kita upang tugunan ang mga pangangailangan sa operasyon ng samahan at makapag-impok para sa pamumuhunan; kakayahang magpatuloy sa mahabang panahon at umangkop sa pagbabago.

Ang mga nagwagi sa Most Outstanding Enterprise ay tumanggap ng plake at halagang PhP 250,000 at PhP 100,000 para sa kategorya ng Most Promising Community Enterprise.