K-OUTREACH, Dumayo sa Sinipit Bubon
Published: May 11, 2017 05:03 PM
Kasagsagan man ng tag–init ay patuloy pa rin ang pagbibigay ng serbisyo ng pamahalaan ng Lungsod ng San Jose sa mga barangay na nasasakupan nito.
Nitong umaga, May 11, ang K- Outreach Program ay dumayo sa barangay Sinipit Bubon sa pangunguna ng Punong Lungsod Kokoy Salvador kasama ang iba pang mga opisyal ng lungsod gaya ng mga konsehal na sina Ronald Hortezuela, Victoria Adawag, Niño Laureta, at Trixie Salvador.
Katulad ng kanyang ginagawa sa bawat barangay na dinarayo ng K-Outreach, personal din na nakipag-usap si Mayor Kokoy sa mga mamamayan ng Barangay Sinipit Bubon upang dinggin ang kanilang mga hinaing.
Tumanggap ng iba’t ibang serbisyo at benepisyo ang mga taga-barangay mula sa Lokal na Pamahalaan at mga ahensiya nito gaya ng libreng reading glasses; iodized salt at chocomilk; medical & dental services; contraceptive pills; gamot, bitamina at pampurga para sa mga alagang hayop; bigas para sa Food for Work; seedlings; tulong sa mga naghahanap ng trabaho; legal counseling; libreng gupit at marami pang iba.
Nagtapos ang unang araw ng K – Outreach sa Sinipit Bubon sa isang boodle fight kung saan nakasalo ng mga residente ang Punong Lungsod at ang iba pang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan.
Noong isang lingo, Barangay Tondod naman ang dinayo ng K-Outreach Program.
Bago pa man bumaba ang programang ito sa bawat barangay, isang grupo na mula sa Community Affairs Office ang nag-iikot sa barangay upang alamin ang mga komunal na pangangailangan sa lugar tulad ng buhangin, poso, maayos na palikuran, at iba pa.
(Raniel Santiago)