News »


Leadership for Adolescent Youth-Friendly Cities (LAYFC)

Published: November 10, 2021 01:00 PM



Lumahok si Punong Lungsod Kokoy Salvador sa Leadership for Adolescent Youth-Friendly Cities (LAYFC) for City Mayors kaninang umaga bilang bahagi ng The Challenge Initiative (TCI) framework para sa pagsasakatuparan ng TCI Philippine Toolkit.

Matatandaang inilunsad noong Setyembre 29 ang TCI sa Lungsod San Jose na isang programa upang tugunan ang tumataas na kaso ng teenage pregnancies sa bansa.

Buo naman ang suporta ng Commission on Population and Development (POPCOM) Region III sa Lungsod San Jose sa pakikilahok sa naturang aktibidad.