Libreng kaalaman sa pagluluto, itinuro
Published: July 10, 2019 03:17 PM
Bilang pakikiisa ng Panlungsod na Aklatan (City Library) sa Buwan ng Nutrisyon, inilunsad ang programang ‘Lutong kaalaman, ating BOOKsan’ nitong Hulyo 9.
Itinuro dito ng isang Culinary Instructor ng Central Luzon State University (CLSU) na si Chef Michelle A. Domingo ang pagluluto ng mga espesyal at kakaibang putahe na patok sa panlasa ng mga pinoy, gaya ng adobong manok na may papaya ngunit walang toyo.
Kasama rin sa mga putahe na kaniyang iniluto ang cheesecake na gawa sa kalabasa na hindi na kailangang i-bake at gulay na kulitis na may bacon at wonton pockets.
Ayon kay City Librarian Helen Ercilla, naisipan nila ang programang ito dahil ang City Library ay hindi na lamang umiikot sa libro kundi puwede na rin sa community services.
Nilahukan ang naturang programa ng mga mag-aaral ng STI at ilang mga nanay at mga kawani ng aklatan.