�Little City Officials�, nanungkulan
Published: August 19, 2019 05:19 PM
Nagsimula nang manungkulan ngayong Lunes, Agosto 19, ang mga kabataang tumatayong “little official” ng lungsod bilang obserbasyon at pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan.
Matapos ang seremonya ng pagtaas ng watawat sa City Social Circle, isang maikling programa ang isinagawa upang kilalalanin ang limamput-talong (53) “little officials” sa pangunguna ni “Little Mayor” Ivan S. Piloneo ng San Jose City National High School
Manunungkulan ang mga munting opisyal sa loob ng isang linggo sa iba’t ibang departamento at opisina ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod San Jose.
Layunin ng Linggo ng Kabataan na mabigyan ng mas malawak na partisipasyon ang mga kabataan sa lipunan. Isinusulong din ng aktibidad na ito na turuan sila ng magagandang ideya sa maayos na paglilingkod, pagiging responsible, at pagiging mabuting mamamayan.
Sa talumpati ni Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang, binigyang-diin niya ang mahahalagang ginagampanan ng mga kabataan sa bansa. Iginiit niya na marapat na laging bigyan ng atensyon ang mga kabataan at gabayan sila sa tamang landas.
Samantala, naging pokus naman sa mensahe ni Mayor Kokoy Salvador na gawing ehemplo ng mga kabataan ang mga kahanga-hangang ambag ng mga bayani sa Pilipinas. Bukod dito, binigyang-pugay din niya ang malaking kontribusyon ng mga kabataan sa pagbuo ng matatag na lipunan.
Ang Linggo ng Kabataan sa taong ito ay binuo sa pakikipagtulungan ng DepEd – Schools Division of San Jose City sa Community Affairs Office (CAO) at Office of the City Mayor (OCM).