Livelihood Assistance Grant (LAG)
Published: September 30, 2020 12:00 AM
Ipinagkaloob kahapon (September 29) ang Livelihood Assistance Grant (LAG) mula sa Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 96 na benepisyaryo sa lungsod.
Ibinigay ang nasabing tulong pangkabuhayan para sa mga benepisyaryong karamihan ay miyembro ng KALIPI at labis na naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ).
Idinaos ang programa sa Pag-asa Sports Complex, F.E. Marcos, kung saan iginawad ang kabuuang higit isang milyong pisong ayuda para sa mga benepisyaryo.
Sa mensahe ni Special Disbursing Officer Rica M. Ballesteros ng DSWD Regional Office, sinabi niyang sana ay makatulong ito para ibangon ang kanilang kabuhayan at gamiting kapital sa kanilang negosyo.
Mula sa natanggap na grant, napagkasunduan din ng mga benepisyaryo na magbigay ng donasyon para sa asosasyon ng KALIPI.