News »


Lokal na Pamahalaan, pinarangalan ng PNP

Published: August 28, 2018 05:27 PM



Isa ang Punong Lungsod Kokoy Salvador sa ginawaran ng Nueva Ecija Police Provincial Office ng Plaque of Appreciation bilang pagkilala sa pagsuporta ng Lokal na Pamahalaan sa mga programa ng nasabing ahensya lalo na pagsugpo sa droga.

Pinangunahan ni Police Provincial Director P/SSupt. Eliseo T. Tanding ang paggawad na ginanap noong Agosto 13 sa Cabanatuan City.

Maliban dito, ginawaran din ang tatlong barangay sa lungsod ng sertipiko bilang Drug Cleared Barangay Ito ay ang mga barangay ng Villa Joson, Villa Floresta at San Mauricio.

Kasamang tumanggap ng paggawad sina San Jose City Chief of Police Marco Dadez at City DILG Director Rowena Adreano.

Ang pagsuportang ito ni Mayor Kokoy sa mga programa ng PNP ay alinsunod sa kanyang adbokasiyang mapanatili at masiguro ang kaayusan, kapayapaan at kaligtasan para sa mga San Josenio.