Lungsod San Jose, kinilala ng Commission on Population
Published: March 07, 2018 05:32 PM
Umani ng papuri ang Lungsod San Jose sa isinagawang Regional Dissemination Forum on Philippine Population Management Program and RPRH Law na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa mga lungsod at munisipalidad ng Region III.
Isa ang San Jose sa tatlong bayan lamang na naglunsad ng “Establishing Local Migration Information System” noong nakaraang taon, at matagumpay itong naipatupad ng City Population Office.
Nakatanggap ng Certificate of Appreciation si Mayor Kokoy at Lungsod San Jose mula sa Commission on Population matapos niyang ipresenta kasama si City Administrator Alexander Glen Bautista ang kahalagahan at kontribusyon ng City Population Office sa matagumpay na pagsasagawa ng naturang programa.
Dumalo rin sa naturang programa sina Konsehal Patrixie Salvador, City Population Officer Nathaniel Vergara, at iba pang mga kawani ng City Population Office.
(Jennylyn V. Cornel)