News »


Lungsod San Jose, Tumanggap ng Parangal mula sa DENR

Published: June 29, 2022 01:04 PM



Ginawaran ng parangal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region III ang Lungsod San Jose para sa “Outstanding Practices in Composting Operation” sa isang pagtitipon na ginanap nitong umaga, June 29, sa Widus Hotel, Clarkfield, Pampanga, kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Kalikasan.

Tinanggap nina Punong Lungsod Kokoy Salvador at OIC City Environment Officer Marites Pangilinan ang parangal. 

Isa ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod San Jose sa lima lamang na bayan sa buong rehiyon na kinilala dahil sa maayos na composting operation.