Mag-ingat sa Bogus Buyers!
Published: December 02, 2021 09:15 AM
BABALA: MAG-INGAT SA BOGUS BUYERS!
Pinag-iingat ang mga online seller at iba pang negosyante lalo na ang mga food establishments sa mga bogus buyer.
Bilang proteksiyon sa seller, maaaring humingi ng downpayment lalo na kung maramihan o bulk order ang transaksiyon.
Inirerekomenda rin na i-save ang detalye (pangalan, contact number, text/online messages) ng buyer.
Ang mga biktima ay maaaring mag-report sa PNP Anti-Cybercrime Division upang matunton ang bogus buyer.
Babala ng Department of Trade and Industry (DTI), maaaring kasuhan ng Estafa sa ilalim ng Revised Penal Code at makulong ang mga mapapatunayang fake o bogus buyers.
Ngayong araw lamang, apat na food establishments ang naiulat na nabiktima ng bogus buyer dito.
Gamit ng bogus buyer ang mobile number na 09652863583.