News »


Mga bagong rescue vehicles, handa nang mag-serbisyo

Published: June 26, 2018 06:04 PM



Para sa mas mabilis at maayos na serbisyo para sa mga San Josenio, bumili ng pitong bagong rescue vehicles para sa mga barangay sa lungsod ang Lokal na Pamahalaan.

Kabilang sa mga unang barangay na mabibigyan nito ay ang Abar 2nd, Pinili, Tondod, A. Pascual, Kita-kita, Kaliwanagan at Manicla. Susunod naman ang iba pang mga barangay sa mga darating na buwan dahil lahat ay pagsisikapang mabigyan nito.

Gagamitin ang mga bagong sasakyan para sa pagbibigay serbisyo sa mga residente ng barangay lalo na sa panahon ng kalamidad at emergency, at gayundin sa iba pang kapaki-pakinabang na bagay.

Kung matatandaan, noong Nobyembre ng nakaraang taon ay bumili rin ang Lokal na Pamahalaan ng apat na bagong dump truck at dalawang elf para gamitin sa K-Outreach Program at noong Setyembre naman ay tatlong ambulansya at rescue vehicle. Noong Agosto naman ay elf para sa Engineering Office, bagong 4x4 rescue vehicle noong Mayo at marami pang iba.

Ito’y ilan lamang sa maraming proyekto ng Punong Lungsod Kokoy Salvador upang mapaganda ang paghahatid ng serbisyo ng Pamahalaang Lokal sa mga San Josenio, para sa patuloy na pagtulong at pagpapabuti ng kanilang pamumuhay.