Mga chikiting mula sa vacation kiddie bible school, nagtapos na
Published: May 16, 2017 10:25 AM
59 bata ang nagsipagtapos sa isang linggong vacation kiddie bible school na ginanap sa panlungsod na aklatan kaninang umaga (May 15.)
Programa ito ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng City Library na pinangungunahan ni City Librarian Helen Ercilla at sa pakikipagtulungan ng Church of God International.
Itinuro dito ang mga makabuluhang kaalaman patungkol sa bibliya, na dapat taglayin ng isang bata.
Layunin ng programa na mahubog ang bawat bata sa matatag na pananampalataya at magandang asal.
Nagkaloob rin ng special awards ang naturang tanggapan gaya ng Best in Memory Verse, Most Helpful, Most Behave, Most Energetic, Best in Arts, at Most Friendly.
-Ella Aiza D. Reyes