News »


Mga estudyante sa lungsod, nagtagisan sa pagsusulat

Published: August 08, 2019 05:07 PM



Dinagsa ng mga mahuhusay na estudyante kasama ang kani-kanilang mga guro at coaches ang taunang patimpalak sa paggawa ng slogan at pagsusulat ng essay. Ang aktibidad na ito ay hudyat na naman ng masayang pagdiriwang ng Araw ng Lungsod ng San Jose na may temang “ Ginintuang Taon, Ginintuang Selebrasyon“ dahil sa ika-limampung anibersaryo ng lungsod ngayong taong ito. Ginanap ang paligsahan sa Learning and Development Room sa City Hall Building nitong umaga (Agosto 8).

Dumating si Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Glenda Felimon-Macadang kasama ang ilang mga konsehal ng Sangguniang Panlungsod at nagbigay sila ng mensahe para sa mga kalahok.

Matapos ang paghihintay sa resulta, nanguna sa Slogan Making Contest Elementary Level si Juliana Cuesta (Porais), pumangalawa si Regina Joy Reofrir (San Jose West Central), at pumangatlo si James Carlo Malunay (St. Joseph). Sa Secondary Level, nanguna naman si Leigine Torres (Kita-Kita), pumangalawa si Bianca Loquiab (BettBien) at pumangatlo si Sophia Mae Paragas (Caanawan).

Samantala, sa Value Virtue Exposition Contest Elementary Level, nakopo ni Nikka Macadangdang (Abar 1st) ang unang pwesto, kay Marife Villanueva (Culaylay) ang ikalawa, at kay Kim Henessy Yapo (Sto. Tomas) naman ang ikatlong pwesto. Sa Secondary Level, nanguna si John Robert Soriano (Core Gateway), pumangalawa si Regine Tasane (Sto. Nino 3rd), at pumangatlo si Lyka Joy Decano (Tayabo).

Tatanggap ng parangal ang mga nanalo at bibigyan sila ng cash prize sa darating na Sabado, Agosto 10. Makatatanggap naman ng consolation prize ang dalawampu’t-isang (21) paaralang nakilahok sa contest.
Ang paligsahan ay inorganisa ng DepEd-Region III, Schools Division of San Jose City sa pakikipag-ugnayan sa Office of the City Mayor / 50th City Day Committee.