Mga nagwagi sa patimpalak para sa City Day, pinarangalan
Published: August 13, 2019 12:00 AM | Updated: August 14, 2019 11:02 AM
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ginintuang Taon ng lungsod, kinilala ang partisipasyon ng mga mag-aaral na nagpakita ng angking galing at husay sa mga patimpalak na inihanda ng Lokal na Pamahalaan katuwang ang Division Office ng San Jose City.
Pinarangalan ang mga nagwagi sa Slogan Making Contest Elementary Level kung saan kampeon ang pambato ng Porais Elementary School na si Juliana Gesta. Pumangalawa ang kalahok mula sa San Jose West Central School na si Regina Reofrir at pangatlo si James Carlo Malunay ng St. Joseph School. Para naman sa High School level, wagi si Leigine Torres ng Kita-Kita High School; pangalawa si Bianca Leguiab ng Bettbien High School at pangatlo si Sophia Mae Paragas ng Caanawan.
Pinarangalan din ang mga nagwagi sa Value Virtue Contest Elementary Level kung saan naging kampeon si Nikka Macadangdang ng Abar 1st Elementary School habang pumangalawa naman si Marife Villanueva ng Culaylay Elementary School at pumangatlo si Kim Henessy Yapo ng Sto. Tomas Elementary School. Para naman sa High School level, kampeon si John Robert Soriano ng Core Gateway College; pangalawa si Regine Tasane ng Sto.Nino 3rd National High School at panagatlo si Lyka Joy Decano ng Tayabo High School.
Samantala, sa Pinta Husay Contest, nagmarka sa mga hurado ang obra ni Nick Carter Rosales ng Sto. Nino 3rd National High School na siyang itinanghal na kampeon. Pumangalawa si Mark Joseph Miranda ng Tayabo High School at pangatlo si E Jay Cachuela ng Kita-Kita High School.
Kasama rin sa mga naparangalan ang mga nanalo sa Poster Making Contest kung saan nanguna si Hannah Erika Sacdalan ng Palestina Elemtary School, pangalawa si Jean Alexis B. Rodriguez ng St. Joseph School, at pangatlo si Emmanuel Marzan ng Malasin Elementary School.
Tumanggap ng sertipiko ng pagkilala at cash prize ang mga nanalo noong Sabado, Agosto 10, sa programang ginanap sa PAG-ASA Sports Complex.