Mga negosyante sa Rehiyon, hinikayat na mamuhunan sa lungsod
Published: May 16, 2017 04:51 PM
Hinimok ng San Jose City Chamber of Commerce katuwang ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni City Mayor Kokoy Salvador ang mga presidente ng Philippine Chamber of Commerce Industry ng Region 3 na mamuhunan sa lungsod sa ginanap na pulong sa Hotel Francesko kaninang umaga. (May 16)
Sa pamamagitan ng isang Audio Visual Presentation (AVP) iprinisinta ang San Jose City bilang isang napapanahon at maayos na investment destination. Ipinakilala ang lungsod bilang “Home of High Grade Rice” at isang lugar kung saan agrikultura ang pangunahing kabuhayan.
Maging ang kauna-unahang San Jose City I Power Corporation na siyang nagsusuplay ng kuryente sa mga Rice Mill ay ibinida rin, dahil mula sa 10.8-megawatt rice husk-fired power plant noong 2015, ay aasahan na ngayong maging 21.6 megawatts bago matapos ang taon.
Ang patuloy naman na paglobo ng business establishments, maging ang pagdami ng mga bangko, hotels, resorts, restaurants, beauty & wellness center , Department Store at iba pa ay nagpapatunay lamang na walang mararanasang korapsyon ang mga mamumuhunan sa kanilang itatayong negosyo sa lungsod.
Ipinakita rin sa video na ligtas magtayo ng negosyo dahil sa mataas na topograpiya nito kung saan hindi nakararanas ng malawakang pagbaha sa panahon ng ulan at bagyo.
Malaking tulong din ang mga nakakabit na traffic lights at CCTV sa Maharlika hi-way para sa seguridad ng bawat isa.
Kaugnay nito nagpasalamat naman si Mayor Kokoy sa pamamagitan ni City Administrator Glenn Bautista sa mga presidente ng Philippine Chamber of Commerce Industry Region 3 sa pagbibigay nila ng pagkakataon na makilala ang lungsod.
- Ella Aiza D. Reyes