Mga Poste ng Kuryente at mga Kable sa Highway, Inayos
Published: June 08, 2017 04:12 PM
Kapansin-pansin ang mga poste ng kuryenteng pintado ng safety marks sa Maharlika Highway mula Sto. Tomas hanggang bayan, at ang mga kable ng telepono at cable TV na maayos na ibinalumbon.
Ito ang resulta ng kahilingan ni Mayor Kokoy Salvador sa SAJELCO na iayos ang mga poste at mga kableng ito hindi lamang para sa ikagaganda ng lungsod kundi para na rin sa kaligtasan ng mga mamayan lalo na ng mga motorista.
Lubos ang pasasalamat ng Punong Lungsod sa SAJELCO sa pamumuno ng Board of Directors Chairman Al Alfonso sa kanilang maagap na aksyon sa kaniyang kahilingan.
Sa iba pang balitang may kinalaman din sa kuryente dito sa lungsod, inihayag naman ng iPower Chief Operations Officer Mr. Ed Alfonso sa isang panayam ng PIO Hour – Oras ng Mamamayan sa Radyo Natin, na bago magtapos ang taon, hindi na makakaranas ng mahabaang NGCP-scheduled brownout ang lungsod dahil maaari nang direktang mag-supply ng kuryente ang iPower sa SAJELCO sa mga ganitong pagkakataon.
Ang iPower ay kasalukuyang may kapasidad na 10.8 MW subalit sa pagtatapos ng Phase 2 ngayong taon, ito ay madodoble na at kaya nang tugunan ang pangangailangan sa kuryente ng buong lungsod kung sakaling walang supply na manggagaling sa national grid.