News »


Mga PWD, nagtagisan sa Chess Tournament (NDPR Week Celebration 2022)

Published: July 21, 2022 04:00 PM



Nagpamalas ng galing ang mga taong may kapansanan o person with disability (PWD) sa Chess Tournament kahapon (Hulyo 20) sa WalterMart na inorganisa ng PWD Affairs Office (PDAO) ng lokal na pamahalaan.

Bahagi ito ng selebrasyon para sa 44th National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week na may temang “Pamahalaan kabalikat sa pagtupad ng pantay na edukasyon, trabaho, at kabuhayan tugon sa pagpapalakas ng taong may kapansanan”.
Pinataob ni Marciano Astrero ang mga katunggali at itinanghal na kampeon matapos ang limang round ng torneo.

Samantala, nakuha naman ni Angelito Bautista ang ikalawang puwesto at ikatlo si Bernard Adsuara. 

Nasungkit naman ni Benny Julian ang ika-apat na puwesto, sumunod sina Christopher Porwelos, Erizalde Nolasco, at Jescel Crisostomo.

Pinangunahan ni PDAO Focal Person Christian Nicolas, kasama ang ilang kawani ng nasabing tanggapan ang paggawad ng sertipiko at cash prize sa mga nagwaging kalahok.