News »


Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ)

Published: May 16, 2020 12:00 AM



Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ)

IMPORTANT UPDATE:
Ang Lungsod San Jose ay sasailalim sa MODIFIED ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE mula May 16 hanggang May 31. Ito ay opisyal na lumabas matapos ang update sa page na ito tungkol sa GCQ.

Mga mahalagang bagay na dapat malaman sa Modified ECQ:
- BAWAL pa rin ang anumang uri ng public transportation, kaya’t hindi pwedeng mamasada ang mga tricyle.
- 50% ng government workforce ang maaari nang bumalik sa trabaho
- 50% o skeletal workforce naman ang maaaring mag-trabaho sa mga negosyo o kumpanyang pinayagang magbukas.
- Kailangan pa rin ng home quarantine pass sa palengke at mga mall.
- Tuloy pa rin ang barangay clustering at schedule sa pamamalengke.
- Samakatuwid, ang pinapayagan lamang lumabas bukod sa may mga home quarantine pass ay ang mga trabahador sa mga nakalistang industriya o establisimyento upang makapasok sa kanilang trabaho.
- Tuloy pa rin ang curfew hours mula 8 PM hanggang 5 AM.
- Bawal pa rin ang mass gathering na lalagpas sa 5 katao.