News »


Motor Riding Safety Training, isinagawa

Published: June 13, 2019 03:51 PM



Isang mahalagang pagsasanay tungkol sa ligtas at tamang pagmo-motorsiklo ang isinagawa nitong umaga, ika-13 ng Hunyo, sa City Social Circle. Ito ang Motor Riding Safety Training (MRST) na naglalayong makapag-bigay ng tamang kaalaman sa pagmo-motor sa mga kapulisan at mga sibilyan.

Inilunsad ang naturang pagsasanay sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan at ng San Jose City Police Station sa pangunguna nina Mayor Kokoy Salvador at Chief of Police P/Supt. Heryl L. Bruno.

Nagkaroon ng simpleng programa bago simulan ang naturang pagsasanay. Nagbigay ng pampasiglang mensahe sa okasyon si P/BG. Roberto B. Fajardo, Chief Superintendent ng PNP Highway Patrol Group. Dumalo ang mga miyembro at opisyal ng San Jose City Police Station at nakilahok ding mga piling sibilyan at mga miyembro ng Rider’s Club sa pagsasanay.

Ilan sa mga isinagawang aktibidad ay ang tamang posisyon sa pagmamaneho ng motor, kung ano ang mga tamang kasuotan, kasanayan sa pagbabasa ng mga simbolo sa highway, at marami pang iba. Nagkaroon din ng obstacle race at exhibition sa pagmamaneho ng motor na lalo pang nagpatingkad sa okasyon. Ang mga pagsasanay na ginawa ay pinangunahan ng Regional Highway Patrol Group (RHPG).