News »


Operation Tuli ng CHO, umarangkada na

Published: April 27, 2017 03:38 PM



Umabot na sa halos 100 bata ang mga natuli sa unang araw pa lamang ng Operation Tuli 2017 na handog ng City Health Office (CHO) at ng lokal na pamahalaan.

Sinimulan na ang libreng tuli kung saan unang naserbisyuhan ang mga kabataang lalaki mula sa RHU III, susunod namang paglilingkuran ang mga kabataang lalaki sa RHU IV, RHU I at RHU II sa May 9-10.

Hinikayat naman ni Punong Lungsod Kokoy Salvador ang mga kabataang lalaki na nasa edad 9 hanggang 14 na magpatuli upang mabigyan ng ligtas, maayos na operasyon at makaiwas sa anumang impeksiyon.

Pinangunahan ni City Health Officer Dr. Marissa Bunao-Henki ang Operation Tuli kasama ang mga Rural Health Unit Doctor sa bawat barangay.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa RHU na nakasasakop sa inyong lugar.

-Ella Aiza D. Reyes