Orientation Re: Traffic Ordinance and Traffic Citation Ticket
Published: May 16, 2017 04:13 PM
Sumalang sa oryentasyon kahapon (May 15) ang 28 na pulis mula sa PNP San Jose bilang paghahanda sa mas maigting na pagpapatupad ng batas trapiko sa lungsod.
Tumayong panauhing tagapagsalita rito si Benjie Domingo na nagpaliwanag tungkol sa magiging sistema ng panghuhuli at paghahatol ng karampatang parusa sa sinumang lalabag.
Ayon kay Public Order and Safety Office-OIC William Tomas, layunin nito na iangat ang kaalaman ng mga piling pulisya sa pagpapairal ng batas trapiko dahil sila ang itatalagang traffic enforcers sa gabi.
Kaugnay nito, bilang suporta sa nasabing programa, nagbigay ayuda si Punong Lungsod Kokoy Salvador sa pamamagitan ng pagbibigay kaparatan sa mga naturang pulis na manghuli at magpataw ng parusa.
Ang lalabag sa mga violations na nakapaloob sa Traffic Ordinance 07-161 gaya ng colorum, illegal parking, over loading, muffler modification at marami pang iba ay iisyuhan ng ticket na may katumbas na parusa o multa.
Inaasahan namang magsisimula ang naturang aktibidad ngayong linggo sa pagtutulungan ng Public Order and Safety Office (POS) at PNP San Jose para sa mas maayos at ligtas na lungsod.
-Rozz A. Rubio