PAALALA MULA SA SJC WATER DISTRICT
Published: March 03, 2020 12:00 AM
Nais po naming ipabatid sa inyo na ngayong panahon ng tag-init (summer) ay may mga lugar na makararanas ng mahinang suppy ng tubig dahil sa paglalim ng balong na pinagmumulan ng tubig.
Bilang pagtugon dito, ang Pamunuan ng San Jose city (NE) Water District ay magrarasyon ng tubig sa mga apektadong lugar base sa mga sumusunod na schedule:
Malasin: Lunes (8am-12pm), Miyerkules (8am-12pm), Biyernes (8am-12pm), Linggo (8am-12pm)
Sibut: Martes (8am-12pm), Huwebes (8am-12pm), Sabado (8am-12pm), Linggo (1pm-5pm)
Sa lahat po ng lugar maliban sa Malasin at Sibut na mahina o walang tubig ay agad makipag-ugnayan sa aming opisina.
Pinapakiusapan po namin na maggayak ng drum o timba upang may mapag-imbakan ng tubig na irarasyon sa schedule na nakatakda sa inyong lugar.