Paalala Ngayong MECQ
Published: May 17, 2020 12:00 AM
“HINDI KA PA RIN PWEDENG LUMABAS. PERO PAG NAG-COMPLY KA NA, PWEDE KA NANG LUMABAS.” Paano mag-comply? Sino ang pwedeng lumabas? Kailangan, mayroon kang home quarantine pass. O kaya naman, trabahador ka sa negosyo o establisimyentong pinayagang magbukas sa ilalim ng Modified ECQ. Hindi pa rin pwede ang edad 21 yrs old pababa o 60 yrs old pataas, maliban na lamang kung may emergency o essential na kailangang gawin. Ito ay ayon pa rin sa guidelines ng IATF.
Para sa mga negosyong pinayagang magbukas ay kailangang sumunod sa mga ito:
Mandatory wearing of face mask
Temperature checking and hand sanitation for customers upon entry
Strict social/physical distancing of at least one meter. (Kailangang maglagay ng markings ang mga establisimiyento kung saan tatayo/uupo ang mga customer.)
Regular disinfection of premises.
Airconditioning to be fixed at 26 degrees Celsius
Bawal ang free WiFi
Minimum contact with customers to be maintained. (Kailangang may acrylic/plastic divider between cashiers/sales persons sa mga establisimiyento kung saan applicable ito.)
Makipag-transaksyon lamang sa mga may quarantine pass. Sa mga mall, ang may quarantine pass lamang ang dapat papasukin.
May mga enforcers ang ating lungsod na mag-iikot upang siguraduhing nasusunod ang mga patakarang ito. MULI, ITO AY PARA SA KAPAKANAN AT KALIGTASAN NATING MGA SAN JOSENIO.