News »


Pag-disinfect sa mga Tricycles Bilang Paghahanda sa Pamamasada

Published: May 30, 2020 12:00 AM



Pagdi-disinfect sa mga tricycles bilang paghahanda sa pamamasada mula June 1. Mayroon ding strategically set up na disinfection stations sa city proper para rito.

Mga mahahalagang bagay na dapat malaman tungkol sa pamamasada ng tricycles:
1. Mayroong color coding scheme sa pamamasada.
Green: makalalabas ng Miyerkules, Biyernes at Linggo.
Orange: makalalabas ng Martes, Huwebes at Sabado
2. Unang lalabas sa Lunes, Hunyo 1 ang kulay green.
Sa susunod na Lunes, Hunyo 8, kulay orange naman.
At salitan sa mga susunod na Lunes.
3. Kailangang nakasuot ng face mask ang driver.
4. Hindi pwedeng isakay ang pasaherong walang suot na face mask at walang akmang quarantine pass.
5. Isang pasahero lamang sa bawat traysikel ; bawal ang backride.
6. P20 ang pasahe sa city proper hanggang sa
Sibut ELIM/ tulay ng Calaocan/ Rufina Homes 4 sa Sto. Niņo 1st/ unang tulay sa Malasin/ City Breeding Center sa Abar 1st.
Kung lagpas sa mga nasabing lugar x2 ang pamasahe batay sa dating pasahe (hindi sa bagong P20). Ito ay ayon sa City Ordinance #20-018.
7. Kailangang maglagay ng plastic na harang sa pagitan ng driver at pasahero bilang proteksyon.

Note: May kaukulang parusa sa paglabag: multang P1,000 o community service ng anim na buwan sa bisa ng City Ordinance #20-018.