Announcement »


PAGHIHIGPIT SA PAGPASOK SA LALAWIGAN

Published: August 01, 2021 05:00 PM



Alinsunod sa desisyon ng Nueva Ecija Multi-Sectoral & Inter-Agency Task Force on the Control and Management of COVID-19, mahigpit na ipatutupad ang pagkakaroon ng alin man sa mga sumusunod na dokumento para sa lahat ng biyaherong papasok sa Nueva Ecija, residente man ng probinsya o hindi, mula August 6 hanggang 20.

- Negatibong resulta ng antigen, saliva o RT-PCR test na ginawa sa nakalipas na 72 oras bago ang pagpasok sa border ng probinsya.
- Valid IATF APOR ID/pass
- COVID-19 vaccination card na nagpapakita na fully-vaccinated na ang may hawak nito; at ng pagkakakilanlan. (Itinuturing na fully-vaccinated ang isang tao kung nakalipas na ang 2 linggo matapos ang kanyang huling bakuna.)

Ayon kay Gov. Oyie Umali, kung may katanungan tungkol sa border control, maaaring mag-text sa 0917-5862870.