News »


Pagpapatuloy ng Oplan Kalinisan at Oplay Daloy, isinasagawa

Published: May 12, 2017 04:36 PM



Bilang paghahanda sa nalalapit na tag-ulan, maigting pa rin na ipinagpapatuloy ang Oplan Daloy at Oplan Kalinisan sa iba’t ibang bahagi ng lungsod simula pa noong Enero,

Kasabay ng pagdadamo ay ang paglilinis sa mga daluyan ng tubig gaya ng ilog, estero at kanal, upang makadaloy ng maayos ang tubig at maiwasan ang pagkakaroon ng mga stagnant water na maaring pamahayan ng lamok na nagdudulot ng sakit na dengue at mga daga na maari namang makapagdulot ng leptospirosis.

Bukod dito isinasasaayos din ang mga manhole sa daanan at nagsasagawa ng iba’t ibang aktibidad tulad ng clean up drive sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.

Tinatayang tone-toneladang basura ang nahakot mula sa mahigit 10 kilometro (10,630 meters) na kalsadang nalinis.

Kabilang sa mga lugar na nalinis ay ang mga illegal dumping sites sa Christian Ville, Tayabo, Sto. Niño 1st, Kaliwanagan, San Juan Bridge at Pinili.

Gayundin ang ilang bahagi ng City Proper, Pinagcuartelan, Tayabo Eco Park, Public Market at marami pang iba.

Naisasagawa ang naturang aktibidad sa pagtutulungan ng City Engineering Office at City Environment and Natural Resources Office ( CENRO) na bahagi pa rin ng adbokasiya ni Mayor Kokoy Salvador na mapanatiling malinis at ligtas ang Bagong San Jose.

(Rozz-Agoyaoy Rubio)