News »


Pagsasanay para sa ICFP beneficiaries, isinasagawa

Published: May 05, 2017 05:27 PM



Bilang pagpapatuloy ng programang Integrated Community Food Production (ICFP), kasalukuyang isinasagawa ang pagsasanay para sa 300 na bagong benepisyaryo ng programa na tumanggap na ng mga buto ng gulay (talong, okra, sitaw) na palalaguin at tig-dalawang kambing na kanilang pararamihin.

Sa pakikipagtulungan ng mga kinatawan ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) ibinahagi dito ang kaalaman tungkol sa seed collection and processing, food processing at pangangalaga ng kambing.

Layon nito na turuan at gabayan ang mga benepisyaryo sa pagtatanim at paghahayupan nang sa gayo’y matugunan nila ang pansariling pangangailangan sa pagkain, gayundin ang magkaroon ng pandagdag kita.

Ito ay bahagi ng programang pangkabuhayan ni Punong Lungsod Kokoy Salvador na matatandaang nagsimula noong Setyembre 2016 at masusi pa ring minomonitor ng City Agriculture Office, City Veterinary Office, City Nutrition Office at ng City Cooperative Development Office.

- Rozz Agoyaoy-Rubio