PALIGSAHAN SA PAGBIGKAS NG TULA
Published: August 19, 2021 09:00 AM
Magadang Umaga San Josenians!
Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ang Aklatang Panlungsod at Sentro ng Impormasyon katuwang ang
Pamahalaang Lungsod San Jose ay inaanyayahan ang mga
Paaralan sa Junior High school sa ating lungsod na lumahok sa,
"PALIGSAHAN SA PAGBIGKAS NG TULA"
(online spoken word poetry)
Narito ang mga Panuntunan/Gabay (Spoken Word Poetry Contest):
1. Ang “Spoken Word Poetry” ay ang pagsasaad ng kuwento sa pamamagitan ng isang tula. Ito ay ginagawa o inilalahad sa pamamagitan ng pagsasalaysay o “narration” na binibigyan ng angkop na emosyon at ekspresyon.
2. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng mag-aaral sa Junior High School mula sa iba’t ibang paaralang pampubliko at pribado sa Lungsod San Jose.
3. Isang kalahok lamang sa bawat paaralan.
4. Ang “Spoken Word Poetry” ay dapat orihinal na komposisyon at nasa wikang Filipino.
5. Ang “Spoken Word Poetry” ay dapat may kaugnayan sa temang “Pagkakaisa sa Panahon ng Pandemya”.
6. Ang bawat kalahok ay inaasahang maisagawa ang kanilang tula sa oras na hindi bababa sa tatlong minuto ngunit hindi mas mahaba sa pitong minuto.
7. Maaaring maglapat ng tunog o musika na akma sa pagpapahayag ng tula. Walang kabawasan sa marka kung hindi gagamit nito.
8. Ang kasuotan ay dapat nakaayon sa tema.
9. Ang bawat kalahok ay inaasahang maipasa ang kanilang video hanggang ika-20 ng Agosto, 2021.
10. Ipo-post ang bawat video sa Facebook Page ng Aklatang Panlungsod (https://www.facebook.com/AklatangSanJose) sa ika-25 ng Agosto, 2021.
11. Ang pag-akit sa madla o “audience impact” ay kukunin mula sa bilang ng reaksiyong puso (heart reaction) sa inyong video na ipo-post ng Aklatan.
12. Iaanunsiyo ang mga nagwagi sa ika-30 ng Agosto, 2021.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA PUNTOS (%)
*Nilalaman at Kaugnayan sa Tema 30%
*Pagkamalikhain at Orihinalidad 25%
*Tindig at Emosyon/Ekspresyon 20%
*Malinaw at Wastong Pagbigkas
/Pagpapahayag ng mga Salita 15%
*Kasuotan 5%
*Pag-akit sa Madla 5%
KABUOAN 100%