News »


Pamamahala ng barangay solid waste management fund, tinalakay

Published: February 09, 2018 04:32 PM



Pinulong nitong Pebrero 7 ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) katuwang ang Land Bank ang mga barangay secretary at treasurer hinggil sa pamamahala ng pondong nakalaan para sa basura.

Ayon kay Environmental Management Specialist I Jeffrey Mendoza, bawat barangay na maniningil ng multa, garbage collection fee o anumang donasyon ay kailangan mag-issue ng resibo sang-ayon sa RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Kaugnay nito, napagkasunduan sa pagpupulong na ang bawat barangay ay bubuo ng resolusyon para sa pagbubukas ng special account sa Land Bank upang dito ipunin ang malilikom na garbage collection fee.

Magsisilbi naman itong trust fund ng bawat barangay na gagamitin sa mga programa ng Solid Waste Management.

(Rozzalyn A. Rubio)