Pambato ng Lungsod, nag-uwi ng karangalan sa PWD Got Talent
Published: July 25, 2017 01:41 PM
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week, nagpakitang gilas ang pitong probinsya ng Region 3 sa katatapos na PWD Got Talent na ginanap sa Marquee Mall, Angeles City, Pampanga noong Biyernes, July 21.
Sa 21 kalahok, tinanghal bilang second placer ang pambato ng lungsod na si Eric Garces ng Villa Marina kung saan ipinamalas niya ang kanyang 3n1 talent sa pagsayaw, pagtahi at pagkarpintero.
Dito namangha ang mga hurado dahil sa kabila ng kanyang kalagayang putol ang braso at paa, naipakita pa rin niya nang mahusay ang kanyang angking talent, kaya’t isa siya sa mga pinarangalan ng plaque at cash prize.
Samantala nakamit naman ng pambato ng Meycuayan City ang 1st place at pumangatlo naman ang contestant mula sa Aurora Province.
(Ella AIza D. Reyes)