News »


Pause and Reflect activity ang City Leadership Team (CLT)

Published: August 08, 2022 01:57 PM



Nagsagawa ng dalawang araw na Pause and Reflect activity ang City Leadership Team (CLT) ng The Challenge Initiative (TCI) sa pamumuno ng Zuellig Family Foundation (ZFF) at pakikipag-ugnayan ng PopCom Region III kaugnay sa pagtataguyod sa lungsod bilang Youth-Friendly City.

Sa isinagawang aktibidad nitong Agosto 3-4, sinuri ang kasalukuyang estado ng mga datos, progreso, at mga kakulangan sa mga programang laan para mabawasan o masupil ang teenage pregnancy sa lungsod.

Nagbigay rin ng suporta si Konsehal Patrixie Salvador-Garcia na nagpasalamat sa dedikasyon at pagtutulungan ng mga miyembro ng CLT para sa ikatatagumpay ng hangarin ng TCI.

Nabanggit din ng konsehala ang nalalapit na pagbubukas ng community-based Teen Information Center, kung saan malugod na tatanggapin ang mga kabataang nangangailangan ng gabay.

Kaugnay nito, bilang miyemro ng TCI, nagtayo ang Heart of Jesus Hospital ng Suhay Youth Center (Facebook page: https://www.facebook.com/suhaycenter/), isang dagdag na pasilidad sa lungsod na handang makinig at magsisilbi ng libre sa mga kabataang may pinagdaraanan. 

Kabilang sa serbisyong handog ng Suhay Youth Center ang mga sumusunod:
- gabayan ang pisikal na kalusulagan ng kabataan
- atensiyon sa kalusugang pangkaisipan (mental health counseling)
- patnubay at kamalayan sa sexual reproduction and awareness, safe and protected sex, at iba pa 

Buo rin ang suporta ni Mayor Kokoy Salvador na tumatayong pinuno ng City Implementation Team at sinabing makaaasa ang grupo na pag-aaralan at sisikaping makagawa pa ng mga batas na makatutulong sa kapakanan ng mga kabataan, lalo na ang teenage single parents.

Bago matapos ang aktibidad, nagbahagi rin ng rekomendasyon at konsepto ang mga miyembro base sa mga nakalap na datos ukol sa mga aktibidad o proyekto na posibleng isagawa sa loob ng susunod na limang buwan.