Peace & Order sa Lungsod, Bumuti
Published: May 25, 2017 06:20 PM
Magandang balita ang inihayag ni San Jose City PNP Chief Reynaldo dela Cruz sa Peace and Order Council meeting kanina (May 25, 2017) dahil sa bumabang bilang ng krimen ngayong buwan ng Mayo.
Tinalakay ni PSupt. dela Cruz sa kanyang report ang “7 Focus Crimes” – theft, physical injury, robbery, rape, carnapping/motornapping, at homicide na may kabuuang bilang na 99 simula nitong taon.
Mula sa 25 “focus crimes” noong Pebrero na siyang pinakamataas na bilang na naitala ng PNP sa taong ito, bumaba ito sa 17 krimen noong Abril, at 13 na lamang ang naiulat mula Mayo 1-25.
Base sa estadistika na kanyang ipinakita, pinakamarami rito ang kaso ng pagnanakaw; at sa “7 Focus Crimes” na nabanggit ay naganap ang pinakamaraming bilang ng krimen sa Abar 1st at Malasin.
Dagdag pa rito, 28 sa 99 na krimen ang naresolba ng PNP kung saan nahuli at nasampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek; habang 30 kaso naman ang itinuturing na “cleared” na nangangahulugang natukoy na ng pulisya ang mga suspek at patuloy ang ginagawa nilang follow-up operation upang madakip ang mga ito.
Gumawa na rin ng iba’t ibang aksiyon ang PNP para masawata ang krimen at matiyak ang tuloy-tuloy na pagbaba ng bilang nito. Kabilang na rito ang mas pinaigting na police visibility sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga pulis na nagpapatrolya at pagsasagawa ng checkpoints.
Pinaigting din ng kapulisan ang kanilang information dissemination campaign sa pamamagitan ng pamimigay ng flyers tungkol sa crime prevention tips at pagpapakalat ng police hotline numbers. Nagsasagawa rin sila ng Oplan Bandilyo o “Police Service on Wheels” kung saan nag-iikot sila sa mga barangay upang maturuan ang publiko sa pag-iwas at pagiging alerto sa mga krimen.
Samantala, inerekomenda ni PSupt. Dela Cruz ang paglalagay ng CCTV lalo na sa mga business establishment at sa matataong lugar; pagiging maingat at mapagmatyag; at maagap na pagrereport sa PNP ng mga kahina-hinalang tao at anumang krimeng masaksikhan o maranasan.
Positibo rin ang hepe ng pulisya at ang buong Peace and Order Council na lalong bubuti ang peace and order situation sa lungsod bilang resulta ng maagap na koordinasyon at pagtutulungan ng pulisya at Lokal na Pamahalaan.
Kaugnay nito, kasalukuyang naglalagay ng CCTV sa Public Market at urban areas ang Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng Public Order and Safety Office.
Kamakailan din ay nag-donate ng mga motorsiklo ang iPower at San Jose City Chamber of Commerce & Industries bilang ayuda sa pagpapalakas ng seguridad sa lungsod. (Gina Pobre)