News »


PinasLakas Sabay tayong babangon, magpa-booster ngayon!

Published: August 05, 2022 10:32 AM



Mas pinaigting pa ang kampanya sa pagbabakuna kontra COVID-19 sa pamamagitan ng “PinasLakas” na inilunsad kamakailan ng Department of Health (DOH).

Layunin nitong mas tumaas ang bilang ng mga Pilipinong magpa-COVID-19 booster shot upang mapanatili ang ating proteksiyon at immunity laban sa naturang sakit.

Target ng PinasLakas na umabot sa 90% senior citizen ang makakompleto ng una at ikalawang dose ng COVID-19 vaccine, at mabigyan ng unang booster shot ang 50% ng populasyon na edad 12 taon pataas pagsapit ng Oktubre.

Kaugnay nito, sinimulan ang malawakang pagbabakuna sa lungsod nitong Agosto 4 sa iba’t ibang lugar.

Bukod sa vaccination site sa WalterMart-San Jose, nagsagawa rin ng pagbabakuna sa San Jose West Central School kahapon upang ilapit ang serbisyo sa mga mamamayan.

May nakaiskedyul ding pagbabakuna sa Public Market mula Agosto 4-6.