Pingpong Olympian at National Players, Dumayo sa Lungsod
Published: September 27, 2016 08:40 AM
Binisita ng Kauna-unahang Table Tennis Olympian na si IAN “Yanyan” Lariba at ng Junior National Players (Philippine Team) ang San Jose City kahapon, ika 25 ng Setyembre, 2016 upang makalaro at mabigyang inspirasyon ang mga manlalaro ng “pingpong” na nagmula pa sa ibat-ibang dako ng Nueva Ecija at Pangasinan.
Dinaluhan ng halos isang daang mga manlalaro at enthusiasts kabilang ang kanilang mga coaches ang nasabing “meet, greet and play” sa San Jose City Table Tennis Club sa Palmones Compound, Josephine Village.
Sinalubong nga mga coaches Ayon kay National Coach and Trainer Ting Ledesma, bumisita sila upang makasalamuha ang mga manlalaro ng pingpong sa Nueva Ecija at Pangasinan at mabigyang inspirasyon ang mga bata sa pamamamgitan ng pakikipaglaro sa mga National Players at Olympian na si Ian Lariba.
Plano nilang gawing Host Venue ang lungsod para sa nalalapit na National elimination sa Nobyembre na dadaluhan ng aabot sa isang libong manlalaro mula sa ibat ibang lungsod ng Bansa.
Kabilang sa mga dumalo na taga San Jose ay sina Coach Gerrick Eugenio, Saysay Marquez, Jun Ducusin at Jessie Medina. Bumisita rin Sina Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang at Sports Development Officer Randy Macadangdang upang ipakita ang kanilang suporta sa mga manlalaro.
Si Coach Gerrick Eugenio ang trainer ng ating small but terrible 9-year old player na si ALJAY VILLENA, na mag rirepresent sa atin sa World Championship of Pingpong na gaganapin sa London sa Enero ng susunod na taon.