News »


PNP San Jose City, may bagong hepe

Published: August 04, 2022 10:36 AM



Itinalaga bilang bagong hepe ng Pulisya sa lungsod si PLtCol. Marlon M. Cudal, kapalit ni PLtCol. Palmyra Guardaya.

Personal na binisita ni Cudal si Mayor Kokoy Salvador sa Tanggapan ng Punong Lungsod nitong Miyerkoles (Agosto 3), gayundin ang Sangguniang Panlungsod.

Dati siyang nagsilbing hepe sa PNP Science City of Muoz at 24 na taon na sa serbisyo sa PNP.

Nagtapos si Cudal ng kursong Bachelor of Science in Criminology sa Araullo University.

Samantala, ipinahayag ng bagong hepe na isa ring Novo Ecijano mula sa Llanera na ipagpapatuloy ang maganda at de-kalidad na serbisyo para sa mga mamamayan ng Lungsod San Jose.

Kabilang sa mga Priority Program at Advocacy na tututukan ni Cudal ang crime prevention, campaign against illegal drugs, illegal gambling, at kampanya laban sa mga gang na sangkot sa pagnanakaw at motornapping.