News »


POWAS sa Brgy. Villa Marina, tatlo na

Published: July 28, 2022 03:07 PM



Isa na namang Potable Water System (POWAS) na maghahatid ng malinis at ligtas na tubig sa mga residente ng Brgy. Villa Marina ang pinasinayaan ngayong araw (Hulyo 28).

Pinangunahan ni Vice Mayor Ali Salvador ang pagpapasinaya at panunumpa sa tungkulin ng lupon na mamamahala sa ikatlong POWAS sa barangay.

Sa mensahe ni Vice Mayor Ali sa mga residente, tiniyak niya ang patuloy na paghahatid ng serbisyo ng lokal na pamahalaan sa kanilang lugar.

Aniya, “Kokompletuhin po natin lahat ng kulang na POWAS sa inyong barangay.”

Dagdag pa niya, “Kami po mismo ang pupunta at bababa para mag-abot ng serbisyo sa inyo.”

Layunin ng proyektong POWAS na mapagaan ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga San Joseniong nasa liblib na lugar sa pamamagitan ng pagpapadaloy ng malinis na tubig sa kani-kanilang tahanan.

Lubos naman ang pasasalamat ni Punong Barangay Heber Cariaga sa proyektong ito na napakalaking tulong sa kanilang barangay.

Nagbigay rin ng suporta at mensahe sina Konsehal Vanj Manugue, Mawie Munsayac-dela Cruz, Roy Andres, at IPMR Lucia Naboye.

Matapos ang inawgurasyon, nagkaroon ng salo-salo kasama ang mga residente, ilang opisyal ng barangay, at lokal ng pamahalaan.