Programang B.E. C.A.R.E.F.U.L., inilunsad ng PNP San Jose
Published: July 19, 2022 01:00 PM
Upang maiwasan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng rape, inilunsad ng PNP San Jose sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ang programang Barangay Empowerment on Child Abuse Resistance and Elimination Fight Unwanted Lewd Design o B.E. C.A.R.E.F.U.L.
Ginanap ito nitong Hulyo 18 sa Learning & Development Room, City Hall compound.
Samantala, lumagda naman sa isang Memorandum of Agreement sina Vice Mayor Ali Salvador at PLtCol Palmyra Guardaya, Chief of Police, kasama ang mga opisyal ng barangay, at Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC) Officers na kasamang dumalo sa naturang aktibidad.
Nakapaloob sa kasunduan na ibababa ang programa sa mga barangay upang mabigyan ng kaalaman ang mga kababaihan lalo na ang mga bata.na madalas mabiktima ng sexual violence.