Prosthetic legs at wheelchairs, ipinamahagi
Published: June 26, 2019 05:34 PM
Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod San Jose sa pagbibigay ng kalinga sa mga Persons with Disability (PWD) kaya muling namahagi nitong umaga, ika-26 ng Hunyo, ng mga prosthetic legs at wheelchairs sa kanila.
Ginanap ang paghahandog sa tanggapan ng PWD sa lungsod.
Nabiyayaan ang humigit-kumulang limampung PWD’s sa ginanap na awarding. Makakatulong ang mga bagay na naipamahagi para sa mas masayang “paghakbang” ng mga PWDs. Ang mga binigyan ng prostetic legs at wheelchairs ay nagmula lungsod at sa mga karatig na lugar gaya ng Lupao, Muńoz, Llanera, Rizal, Pantabangan at Solano, Nueva Vizcaya.
Pinangunahan ni Vice Mayor Glenda Felimon Macadangdang ang programa. Dumalo din ang ilang konsehal ng Sangguniang panglungsod na sina Trixie Salvador, Wilfredo Munsayac at Roy Andres. Nagpakita din ng suporta si Ms. Lourdes S. Medina ng City Social Welfare & Development Office (CSWDO).
Matatandaan na namahagi din ng mga braces at prosthetic legs noong Enero. Ito na ang pangalawang bugso ng paghahandog sa mga PWDs.