News »


Renewal ng MOA sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod at Jollibee Group Foundation (JGF)

Published: September 20, 2022 03:00 PM



Nilagdaan ni Punong Lungsod Kokoy Salvador ang renewal ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod San Jose at Jollibee Group Foundation (JGF) sa pangunguna ni Gisela Tiongson, Executive Director ng JGF kasama ang mga kinatawan ng City Cooperative Development Office, City Agriculture Office, at dalawang farmer leaders mula sa KALASAG Multi-Purpose Cooperative at Onion and Vegetable Producers Cooperative (OVEPCO) sa Office of the City Mayor (OCM) kahapon, Setyembre 19.

Ito ay para ipagpatuloy ang programa rito na lalong patatagin ang mga kooperatiba, pataasin ang kanilang mga ani, at patuloy na tangkilikin ang mga produkto ng magsasaka sa lungsod.

Nagsimula ang kasunduan at implementasyon nito noong taong 2008.

Dahil sa magandang hangarin sa mga magsasaka ng lungsod, ipagpapatuloy pa ng tatlong taon ang nasabing kasunduan.