San Jose City GCQ Bulletin #2: NEW QUARANTINE PASS na gagamitin simula June 2
Published: May 30, 2020 12:00 AM
NEW QUARANTINE PASS na gagamitin simula June 2.
- Dalawang cluster na lamang ang pass.
1.) Yellow cluster: Maaaring mamalengke sa araw ng Martes, Huwebes, at Sabado.
2.) Blue Cluster: Maaaring mamalengke sa araw ng Miyerkules, Biyernes, at Linggo.
- Hindi kailangan ng pass sa palengke tuwing Lunes dahil sarado ito for disinfection.
- Hindi na by barangay ang clustering. Sa isang barangay, hahatiin sa dalawang klaseng pass.
- 1 pass per family. Kahit sino sa pamilya basta nasa tamang edad (21 – 59 yrs old) ay kailangang may dalang pass kapag lumabas. Walang dalang pass? Bawal lumabas. Kailangan mag-comply ka muna bago ka lumabas.
- Bagama’t sinabi ni DILG Sec. Año sa isang interview na hindi na kailangan ang quarantine pass sa mga lugar na nasa ilaim ng GCQ, may kapangyarihan pa ring magpatupad ng safety measures ang Local Chief Executive para sa pag-iingat at kaligtasan ng kanyang nasasakupan.
- Paalala sa publiko: Hindi komo GCQ na ay ituturing nang mistulang fiesta ang paglabas. Mas kailangan ngayon ng pag-iingat dahil lalong tumataaas ang COVID-19 cases na iniuulat sa bansa. Sabi nga ng isang meme, “Gala Now, Abo Later”. Huwag po nating naising maging abo.
- Magbabahay-bahay ang mga awtorisadong kawani at barangay representatives ng Lokal na Pamahalaan mula May 30 - June 1 upang ipamigay ito.
(Abangan sa page na ito ang mga susunod pang impormasyon tungkol sa implementasyon ng GCQ na inaasahang magsisimula sa June 1 sa Lungsod San Jose.)