San Jose City Open Invitational Table Tennis Tournament, Dinayo
Published: June 06, 2017 08:28 AM
Nagmistulang Palarong Pambansa ang isinagawang San Jose City Open Invitational Table Tennis Tournament sa Pag-Asa Sports Complex nitong Sabado at Linggo, ika 3-4 Hunyo, 2017.
Dinayo ito ng mga manlalaro mula sa iba’t ibang grupo mula sa Manila, Pampanga, Aurora, Rosales, Malabon, Marikina, Bulacan, Guimba, Munoz, Cebu, at iba pa. Dumating din ang labing-isang national players ng bansa upang sumuporta at lumahok sa nasabing tournament.
Ipinakita ni Punong Lungsod Mario Kokoy Salvador ang kanyang suporta sa nasabing paligsahan sa pamamagitan ng pagdalo sa loob ng dalawang araw at pagbibigay ng pagbat at mensahe sa mga delagado at kalahok. Dumating din at nagbigay ng kanyang pagbati at pagsuporta si Philippine Sports Commissioner Arnold G. Agustin. Ayon sa kanya, malaki ang potensiyal na makakuha ang PSC ng mga manlalarong ilalaban sa ibang bansa sa mga palarong isinasagawa ng lokal na pamahalaan.
Sa dalawang araw ng paligsahan, ipinakita ng mga manlalaro ang kani-kanilang husay sa paghataw at pagkontrol ng bola sa apat na sulok ng mesa.
Sa pagtatapos ng paligsahan, nakuha nina Earl Antonio at AJ Chavez ang unang pwesto sa 13 under (boy and girl) category, sina Dino Marcelo at Cielo Bernardez sa kategoryang 18 and under, at sina Alexis Bolante at Jana Romero naman ang naging kampeon sa men’s open and women’s open category.
Sa Team competition, nakuha ng team TATAN ang kampeonato; pumangalawa ang PROTTEC at ikatlo ang grupo ng PTTF.
Ang San Jose City Open Table Tennis Tournament ay naganap sa pinagsama-samang tulong ng Sports Development Office at ng San Jose City Table Tennis Club. Nagbigay din ng tulong-pinansiyal ang ilang pribadong indibidwal.
-Melody Z. Bartolome