Seminar on RA 6713 Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees
Published: July 05, 2022 09:00 AM
Sumalang sa pagsasanay ukol sa Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees ang 80 kawani ng Lokal na Pamahalaan, kasama sina Konsehal Vanj Manugue, Mawie Munsayac-dela Cruz, Banjo Munar, at Manuel Chua Jr. nitong Hunyo 29-30 sa Learning and Development Room ng City Hall.
Nagsilbing panauhing tagapagsalita si Assistant Regional Director Atty. Rosalinda A. Tanaliga-Oliva mula sa Civil Service Commission (CSC) Regional Office III, kung saan binigyang-linaw ang mga karapatan, tungkulin, at mga gawaing dapat iwasan ng isang tapat na lingkod bayan.
Tinalakay rin ni Atty. Tanaliga-Oliva ang katangian na dapat taglayin ng isang mahusay na public servant.
Ayon naman kay City Administrator Alexander Glen Bautista, lahat ng opisyal ng gobyerno ay may pananagutan sa lahat ng kanilang kilos at dapat gampanan ang tungkulin nang may integridad at propesyonalismo, kaya naman hiling niya sa mga dumalo na isabuhay ang natutunan at ipalaganap pa sa iba.
Dumalo rin at sumuporta sa programa si Vice Mayor Ali Salvador, gayundin si CSC Nueva Ecija Provincial Director Major Eleonor Frado, na isa ring reserve Philippine Army.
Layon ng programang ito na mapalawig ang kaalaman ng mga bagong kawani ng LGU para sa mas epektibong serbisyo sa taumbayan.