SJC Skills Training Center beneficiaries, grumadweyt
Published: May 19, 2017 05:42 PM
129 mag-aaral ng San Jose City Skills Training Center ang nagsipagtapos kanina (May 19) na may temang “Investing in the 21st Century Skilled Filipino Workforce”.
Sa tulong ng lokal na pamahalaan napagkalooban sila ng libreng tuition fee sa kursong Shielded Metal Arc Welding (SMAW) at sumailalim sila sa 268 hours training para sa NC-II at 260 hours naman para sa NC-I.
Binati naman ni Punong lungsod Mario Kokoy Salvador ang mga nagsipagtapos at sinabi niya na mahalaga ang pagkakaroon ng National Certificate dahil isang paraan aniya ito upang mabilis silang matanggap sa trabaho lalo na sa abroad.
Pinasalamatan din ng Punong lungsod ang mga guro at staff ng San Jose City Skills Training Center at ang Office of the City Mayor (Extension) sa pangunguna ni Executive Assistant V Sandy Cervantes dahil kinasangkapan sila upang maturuan at makapagtapos ang kanilang mga estudyante.
Pinangunahan naman ni City Administrator Alexander Glen Bautista ang paggawad ng Certificate kasama sina Konsehal Patrixie Salvador at ang Guest Speaker na si Emmylou Busayong.
Dumalo rin sa okasyon sina Vice Mayor Glenda Macadangdang, Konsehal Ronald Lee Hortizuela, PESO Head Zeny Barangan at TESDA Provincial Training Center Head Engineer Esteban Samatra Jr.
Ito na ang ikalawang commencement exercises ng San Jose City Skills Training kung saan limang batch ang grumadweyt.
-Ella Aiza D. Reyes