STRICT ANIMAL MOVEMENT
Published: January 07, 2020 12:00 AM | Updated: January 14, 2020 08:36 AM
BASAHIN!
Kumpirmado ang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa Lungsod San Jose.
Mga dapat gawin:
- Bawal ang magbiyahe ng baboy papasok o palabas ng San Jose.
- Bawal ang magpasok ng anumang meat products na walang meat inspection certificate.
- Ang karneng ibinebenta sa palengke ay dapat dumaan lamang sa pagkatay sa slaughterhouse.
- Bumili lamang ng karne na may meat inspection certificate.
- Huwag bumili ng karne online o sa kung sino-sinong resellers.
- Kung may mga alagang baboy na biglang nagkasakit o namatay, iulat sa City Veterinary Office.
Mahigpit na ipatutupad ang animal checkpoint sa mga entry/exit points sa lungsod.
Ang mga lalabag sa alituntunin para ma-kontrol ang pagkalat ng ASF ay mananagot sa batas.
TANDAAN:
Kapag ang karne ng baboy ay nalutong mabuti, walang panganib ang ASF sa tao. Subalit ang ASF ay malaki ang epekto sa ekonomiya sapagka't kailangang patayin ang lahat ng baboy na nasa 1-km radius ng may kasong ASF!