Subsidiyang Binhi mula sa DA, Ipinamahagi
Published: May 27, 2020 12:00 AM
Sinimulan nitong Lunes, May 25, ang taunang pamimigay ng binhi mula sa Department of Agriculture para sa mga magsasaka sa lungsod.
Ipinamamahagi ang subsidiya para sa mga kwalipikaong benepisyaryong magsasaka na rehistrado sa City Agriculture Office.
Personal na binisita ng Punong Lungsod Kokoy Salvador ang pamamahagi ng binhi nitong umaga, May 27. Dumalo rin ang mga konsehal na sina Willie Nuņez at Atty. Ronald Hortizuela.
Maayos na naisagawa ang pamamahagi habang inoobserbahan ang socia/physical distancing. Bago makapasok sa City Agriculture Office compound, sinusuri rin ang temperatura ng bisita.
Upang maging rehistrado, kailangan lamang makipag-ugnayan sa Agriculture Technician na assigned sa barangay. Mahalagang maging rehistradong magsasaka sapagka't isa ito sa kwalipikasyon ng Department of Agriculture sa pamimigay ng subsidiya.
Kung may katanungan tungkol dito, makipag-ugnayan sa barangay technician o magtungo sa City Agriculture Office.